top of page
  • Writer's pictureNansha Tiffany Alcazar

Saan ka pupunta?

Sa dami ng sinabi ni Sir Danny, isang voice/dubber director, isa lang naman ang pinakatumatak sa isip ko, “Saan ka pupunta?”. Paano mo sasabihin ang mga salitang ito kung isa kang pulubi o doctor? Napaisip ako, hindi talaga basta-basta ang pagboboses. Hindi tayo tulad ng mga artista na nakikita sa telebisyon kaya’t ang pagiging malikhain ay dapat makarating sa audience gamit ang boses mo lang.

Characterization in English. Hindi ibig sabihin na nagboboses ka lang, madali na lang. Uso ang magandang boses ngayon pero walang karakter. Tulad-tulad, maganda ang pagkakabigkas ngunit walang laman- walang emosyon. Kapag nagbabasa ako, nararanasan ko rin ito, yung tipong sinabi mo pero hindi mo rin naman naintindihan. Bilang artist, importante na alam mo ang sinasabi mo at naiisalin at naipaparamdam mo ito sa mga tao. Kung magboboses ka, kailangan mo ibigay ang lahat - lahat ng nasa sayo. Kung galit ka, kailangan magalit ka. Kung kinikilig ka, kailangan kiligin ka. Kung nagmamahal ka, kalian magmahal ka. Kailangang alam mo kung paano makaramdam kasi paano mo ipaparanas sa nakikinig ang nararamdaman mo kung hindi mo alam kung paano ito sa simula pa lang. Ang problema, karamihan sa atin itinatago ang emosyon kasi ayaw nating makita ng iba ang kahinaan natin. Sa tingin ko, epidemya na rin to. Epidemya ng mga nagtatago. Saan ka pupunta? Kung hindi mo kayang ipahayag sa paanong paraan man ang nararamdaman mo, saan ka na pupunta? Ang ironic di ba? Natural sa tao ang magpahayag pero hindi natin maipahayag ang ating nararamdaman. Ang pagpapahayag ng sarili ay likas sa tao kaya’t lagi tayong naghahanap ng paraan para maparating ito sa mundo. May ibang nawawala sa landas, may ibang nagpipinta, may ibang nangchichismis, may ibang kinikimkin na lamang hangga’t sa hindi na nila makaya ang lahat-lahat ng emosyon, bumibigay sa buhay. Mapalad ang mga nagpapahayag. Mapalad ang nakakapagpahayag.

5 views0 comments
bottom of page